Content in Other Languages (Tagalog)
Nilalaman sa Iba pang mga Wika (Tagalog)
Information Available in Tagalog
The Tagalog version of the Government Property Agency Website contains selected essential information only. You can access the full content of our website in English, Traditional Chinese or Simplified Chinese.
Impormasyong Nakasalin sa Tagalog
Ang Tagalog na bersyon ng Website ng Ahensya ng mga Pag-aari ng Pamahalaan ay naglalaman ng mga piling importanteng impormasyon lamang. Maaari mong makita ang buong laman ng aming website sa Ingles, Tradisyunal na Tsino, o Pinasimpleng Tsino.
Pabating Mensahe
Malugod na Pagbati sa website ng Ahensya ng mga Pag-aari ng Pamahalaan.
Ang Ahensya ng mga Pag-aari ng Pamahalaan ay inilimbag noong Abril 1990. Ang pangunahing tungkulin nito ay makamit ang mga pangangailangan ng mga kagawaran at departamento para sa mga pangunahing paggamit ng mga lugar tulad ng opisina, pamamahala ng mga pag-aari ng pamahalaan ng maayos at presyuhan ito ng epektibo, at paghusayin ang paggamit ng mga lugay at pag-aari ng pamahalaan.
Magbibigay sayo ang website ng mga impormasyon tungkol sa organisasyon, responsibilidad, pangakong paggawa tulad rin ng pinakabagong impormasyon sa pamamahala ng mga pag-aari, oportunidad para sa pagpapaupa ng mga pag-aari ng pamahalaan at iba pa ang Ahensya.
Umaasa kami na magugustuhan ninyo ang pagbisita sa aming website. Tinatanggap naming ang inyong mga komento at mga mungkahi.
Ang Aming mga Serbisyo
Mga Pang-Domestikong Pag-aari ng Pamahalaan
Para sa iba pang mga detalye tungkol sa mga nakaraang panuluyan ng Pamahalaan na maaari kasalukuyang pinapaupahan, mangyaring pindutin dito upang bumisita sa mga naaangkop na mga webpage sa “GPA Property Portal”.
Hindi pangdomestikong Pag-aari ng Pamahalaan
Pinapaupahan
Bukod sa mga pangdomestikong pag-aari, ang iba pang mga pag-aari ng pamahalaan tulad ng mga tindahan, kantina, lugar para sa pag-anunsyo, paradahan ng sasakyan, automatic teller machine, atbp. ay maaaring paupahan para sa mga tukoy na paggamit. Karaniwan itong pinapaupahan sa pamamagitan ng pangkalahatang anunsyo/ presyo. Kung pauupahan ang mga pag-aari, maglilimbag ang Ahensya ng anunsyo/ paunawa sa presyo sa website na “GPA Property Portal” ng Ahensyang ito at sa mga tukoy na mga lokal na dyaryo (kung saan naaangkop). Para sa iba pang mga detalyo, mangyaring pindutin dito para bumisita sa mga naaangkop na webpage sa GPA Property Portal.
Uupahan
Panapanahon, naghahanap ang Pamahalaan ng angkop na pribadong hindi pangdomestikong pag-aari para gamitin ng pamahalaan. Sino mang Partido na mayroong naaangkop na hindi pangdomestikong pag-aaari na maaaring paupahan sa Pamahalaan na magpadala ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa nasabing mga pag-aari sa Ahensya sa pamamagitan ng add-reg@gpa.gov.hko sa pamamagitan ng fax sa 2827 1891.
Sobrang mga Pag-aari ng Pamahalaan
Para sa iba pang detalye tungkol sa mga sobrang pag-aari ng pamahalaan (“SGA”) na maaaring paupahan sa mga organisasyong hindi pang-pamahalaan (“NGO”s), mangyaring pindutin dito upang bumisita sa mga naaangkop na mga webpage sa “GPA Property Portal”.
Para sa iba pang mga detalye tungkol sa (mga) imbitasyon sa anunsyo o (mga) pampublikong subasta sa kasalukuyan, mangyaring pindutin dito upang bumisita sa mga naaangkop na mga webpage sa “GPA Property Portal”.
Ang mga Pagsasaayos ng Pagpapaupa sa Pangangalaga para sa Lipunan ay naaangkop sa mga pagpapaupa na nagmula ng 2019 at pagkatapos ay patungkol sa mga naaangkop na mga pag-aaring lugar ng pamahalaan na pinapaupahan ng Ahensya ng Pag-aari ng Pamahalaan. Sa ilalim ng pinakabagong pagsasaayos ng mga paupahan, magbibigay ang Ahensyang ito ng mga prioridad sa mga organisasyong hindi pampamahalaan (NGO) at negosyong panlipunan (SE) na may polisiya ng pagsuporta ng pagpapaaupa sa mga naaangkop na mga lugar at isasama na rin ang mga probisyon ng pagpapaaupa sa mga naangkop na ma lugar upang pangasiwaan ang paggalaw ng Negosyo sa mga maliliit and katamtamang laki na mga Negosyo (SME) sa pamamagitan ng pagbigay ng mas mahaba at mas maluwag na patakaran ng pag-upa pati na rin ang pagsasaayos ng pagpapaupa na ipapalabas bilang pagbigay ng Negosyo sa mga may-ari. Para sa iba pang mga detalye, maaaring pindutin dito upang bumisita sa mga naaaangkop na webpage sa GPA Property Portal.
Responsable ang Ahensya ng Pag-aari ng Pamahalaan para sa pamamahala ng mga pangunahing may pangkalahatang-paggamit magkatambal na pagamit ng mga opisina ng pamahalaan, tukoy na lugar para sa pagkontrol ng hangganan at dating mga lugar para sa departamento/ espesyalista sa ilalim ng pansamantalang pag-aalaga ng Ahensya, atbp. Sa loob ng maraming taon, ang Ahensyang ito ay nagpatupad ng ilang mga inisyatiba na may layuning mapaghusay ang pagiging mabisa at epektibo ng serbisyo ng pamamahala ng mga lugar. Para sa iba pang mga detalye, mangyaring pindutin dito upang bumisita sa mga naaangkop na webpage sa GPA Property Portal.